I’ve said on
my last post that I will start to feed my blog some regular content. But...
TANGINAAAA~!! Busy na naman... But that’s good because what I’ve been busy
about is a summer job (a boring one). However, the pay is a decent 500php a day
and I’ve worked for 18 days. The result?
Jajaaaaaaan~!!
Yes they’re
DS Lites. I remember telling myself last 2 years that I wanted a 3DS but I’ve
only managed to get 2 DS’s so the joke’s on me. But despite that, I’m more than
happy with this shit. Finally returning to the library of games of my choice
albeit outdated feels pretty fucking good. Though it sucks that just when I can
finally play Pokemon Black 2 (generation 5), a generation 6 Pokemon (X and Y)
is going to be released by Nintendo by September... Fuck. And It’s for 3DS
only. *all my rage...and envy. But that’s fine, I still have a HUGE library of
games to waste my time with and the queue is oh so long.
Anyway, why 2
DS Lite units? I bought the other one for my two younger siblings. Look, I’m
not trying to be a nice big brother and all. I just bought them their own unit
so that I can fucking play my own DS in peace without anyone to share it with.
And before
ending this let me just say: Fuck you and your Candy Crush. Fagget!
It’s been eons since my last post and I’m starting to miss my blog. Nakakainis lang na hindi ko na masunod yung plano ko na maglagay ng steady stream of post dito kahit man lang every week. Sobrang dami nang nangyari, nagbago, nawala, dumating dun sa lumipas na panahong hindi ako makapagpost at nakakapanghinayang lang na hindi ko maipost yung mga yun.
Kasama na dun yung pagkamatay ni tatay. March 9 2012, sabi ko sa sarili ko gagawa ako ng post in tribute dun kaso hindi ko na nagawa dahil naging sobrang busy na. Itutuloy ko parin yung post na yun some other time. And for real this time. Pagkatapos nalang siguro ng stress ng finals. Nawalan pa ‘ko ng internet sa bahay kaya hindi ko na talaga mabisita masyado ‘tong blog. Hindi naman kasi ako sanay na sa internet cafe mag ganito. Ewan ko kung bakit pero nakakailang lang. Pero nakakapanghinyanag lang kasi ‘tong naumpisahan ko. Gusto ko pang ituloy ‘tong blog eh kaya napagisipan ko na gawan parin ng paraan makapagpost lang (kahit wala namang bumabasa nito. Lol).
Gaya nga ng sinabi ko, sobrang dami nang nangyari sa lumipas na mahigit isang taon. Balik-eskwela na ako (nabanggit ko kanina yung tungkol sa stressful na finals, diba?), mga bagong kakilala, mga bagong kaaway, kalokohan, pero mas pumanget na social life. Eto talaga kahinaan ko sa lahat. Imbes na mag-improve ako, bumagsak lang lalo dun sa lumipas na isang taon. Lecheng socialization yan. Bagong cellphone na galing sa pera na kinita ko sa kauna-unahan kong video editing na may bayad. Ilang linggo rin kaming walang tulog nung co-editor ko dun. Stressful shit.
Fast forward to today, meron na ‘kong bagong desktop na regalo mula kay itay (rest in peace, dad). And don’t even get me started. Mula nung natuto akong gumamit ng computer nung mga nasa 2nd year high school palang ako, ngayon lang ako nagkaroon ng PC na...well, PC. Nabuhay lang ako sa old model laptop nun at sa makeshift desktop ko na gawa lang sa netbook. Hay, memories. Also, 2years na kami ng Bunny ko. Well, hindi pa kami pero...whatever. I’ve also earned a trophy sa video editing contest sa school just recently. Props to those people who made that possible, especially sa Bunny ko.
I’m now interested in 3D modeling pati sa music composing pero I’ve yet to learn those things. Hopefully ngayong bakasyon (sana matanggap ako sa SPES, sana matanggap ako sa SPES... ay).
Dami ko pang gustong idaldal. Pati nga tong mga pinagbabanggit ko ngayon puro pahapyaw lang eh. Kasi sobrang dami talagang nangyari at nagbago netong nakaraan kaso kelangan ko pa asikasuhin yung term paper namin so... Bigla ko nalang tatapusin ‘to dito. Lol.
Anyare sa pangarap kong Nintendo 3DS? ANG MAHAL AT DI AKO MAKAPAG IPON! DS Lite nalang. XD
Hanggang ngayon. Hindi ko parin maawat ang sarili ko sa kagustuhan kong magkaroon ng 3DS.
Tuluy-tuloy na search kung saan makakabili ng mura, search kung ano magandang flashcart. Meron na nga akong tatlong choices eh: R4i Gold, Acekard2i, at EZ Flash. Nagbabasa pa ako sa mga forums na pinagtatalunan kung alin sa mga yan ang pinaka-ok. At kaya yan ang choices ko dahil sakto lang ang presyo at ok ang features. Pero kung mapera ako Supercard DSTWO na kaagad bibilhin ko. Pero kunyari alam mo 'tong mga pinagsasasabi ko.... DERP!
Anyway, ang saya. Dahil bago palang ang 3DS system, wala pang hacks. Di ka pa makakapaglaro ng download games gaya ng ginagawa sa PSP. At oo, maling gawain ang pamimirata, alam ko. Kung mayaman lang ako kaya kong bumili linggo linggo ng bagong original games eh. Or nung isang linggo pa dapat ako nakabili ng 3DS. E kaso dahil tag-hirap nga, swerte na kung makabili ako ng ganito sa December.
Grabeng lakas ng interes kong magkaroon nito. Pero mahaba ang taon, alam kong baka sa sunod na linggo o kaya sa sunod na buwan, magsawa rin ako kakaasa na magkaroon nito at kalimutan na ang plano kong pag ipunan 'to. Ang kaso......
Hindi ko papayagan na mangyari yan. Ilang beses na ko nangako sa sarili ko tapos di ko naman tinutupad dahil lang sa nawawalan ako ng interes eventually. Iibahin ko dito. Sa ngayon nag iisip ako ng ibang paraan to keep me motivated throughout the year. Siguro uumpisahan ko na ang pag iipon kahit di pa ko bumabalik sa eskwela. Kahit pabarya-barya lang basta may maipon. Para naman pag nagtagal, manghinayang ako na nag ipon ipon pa ko ng ganun katagal tapos di ko rin naman itutuloy.
Bottomline, alam kong magsasawa din ako kaka-pantasya na magkaroon ng 3DS pero pipigilan ko yan. Para naman masabi kong may natupad na akong goal na sinet ko kahit short-term goal man lang.
Maraming reasons. Oo, kasama na yung "maangas ka pag meron kang astig na handheld gaming system" pero hindi lang yun. Since nung mawala kasi yung PSP ko dahil sa katangahan, hindi na ako makatiis na walang handheld gaming system. Alam ko naman na hindi ito necessity pero naging parte na rin kasi ng lifestyle ko ang gaming. Mukhang jologs pakinggan pero marami na akong bagay na natutunan (in real life) through video games so somehow tulong na rin s'ya sa endless pursuit of knowledge. Laking Nintendo games din ako at gusto kong buhayin yung childhood ko. So kung ako tatanungin kung needs ba s'ya o wants lang, tingin ko in-between.
Though isang buong taon ako magpipinitensya para lang pag ipunan ko yung perang pambili nito. Maswerte na kung makaipon ako ng enough na pera by December. Oo, pulubi ako. Pulubing may computer at internet connection. Kaya hindi ganun kadali sakin ang pag ipunan 'to. Halos imposible pa nga eh.
I mean, hindi ko gagastusin yung magiging baon ko araw-araw para lang maka-ipon and college student ako kaya mas lalong mahirap na hindi mapagastos.
Sa ngayon di ko pa maumpisahan ang pag iipon dahil wala pa akong allowance. Sa sunod na pasukan ko na uumpisahan ang "fasting". Kailangan sobrang minimal na gastos talaga kahit sa birthday ko hindi ako gagastos.
Nagpaalam na rin ako sa nililigawan ko na magiging kuripot ako buong taon (sana ok lang sa kanya).
Mukhang napaka-absurd nung idea na magpapaka-martir ako para lang sa 3DS. Pero siguro naman nabalitaan n'yo na yung tungkol sa isang bata sa China na binenta yung isang kidney n'ya para lang makabili ng iPad at iPhone. Mas hardcore yan at di dapat tularan. Basta ako, good luck sakin.
Matagal-tagal na nung huli ko 'tong pinakinggan. Binalikan ko nalang ulit ngayon. Sobrang nakaka-uplift parin kahit wala naman talaga akong mabigat na problema (nami-miss ko lang "s'ya").