Wednesday, February 29, 2012

Ang luhong ayaw matuyo.

Hanggang ngayon. Hindi ko parin maawat ang sarili ko sa kagustuhan kong magkaroon ng 3DS.
Tuluy-tuloy na search kung saan makakabili ng mura, search kung ano magandang flashcart. Meron na nga akong tatlong choices eh: R4i Gold, Acekard2i, at EZ Flash. Nagbabasa pa ako sa mga forums na pinagtatalunan kung alin sa mga yan ang pinaka-ok. At kaya yan ang choices ko dahil sakto lang ang presyo at ok ang features. Pero kung mapera ako Supercard DSTWO na kaagad bibilhin ko. Pero kunyari alam mo 'tong mga pinagsasasabi ko.... DERP!

Anyway, ang saya. Dahil bago palang ang 3DS system, wala pang hacks. Di ka pa makakapaglaro ng download games gaya ng ginagawa sa PSP. At oo, maling gawain ang pamimirata, alam ko. Kung mayaman lang ako kaya kong bumili linggo linggo ng bagong original games eh. Or nung isang linggo pa dapat ako nakabili ng 3DS. E kaso dahil tag-hirap nga, swerte na kung makabili ako ng ganito sa December.
Grabeng lakas ng interes kong magkaroon nito. Pero mahaba ang taon, alam kong baka sa sunod na linggo o kaya sa sunod na buwan, magsawa rin ako kakaasa na magkaroon nito at kalimutan na ang plano kong pag ipunan 'to. Ang kaso......

Hindi ko papayagan na mangyari yan. Ilang beses na ko nangako sa sarili ko tapos di ko naman tinutupad dahil lang sa nawawalan ako ng interes eventually. Iibahin ko dito. Sa ngayon nag iisip ako ng ibang paraan to keep me motivated throughout the year. Siguro uumpisahan ko na ang pag iipon kahit di pa ko bumabalik sa eskwela. Kahit pabarya-barya lang basta may maipon. Para naman pag nagtagal, manghinayang ako na nag ipon ipon pa ko ng ganun katagal tapos di ko rin naman itutuloy.

Bottomline, alam kong magsasawa din ako kaka-pantasya na magkaroon ng 3DS pero pipigilan ko yan. Para naman masabi kong may natupad na akong goal na sinet ko kahit short-term goal man lang.

Saturday, February 25, 2012

Humanity is doomed

Please kill me now.

Friday, February 24, 2012

Nintendo 3fuckingDS

I fucking want this thing.


Maraming reasons. Oo, kasama na yung "maangas ka pag meron kang astig na handheld gaming system" pero hindi lang yun. Since nung mawala kasi yung PSP ko dahil sa katangahan, hindi na ako makatiis na walang handheld gaming system. Alam ko naman na hindi ito necessity pero naging parte na rin kasi ng lifestyle ko ang gaming. Mukhang jologs pakinggan pero marami na akong bagay na natutunan (in real life) through video games so somehow tulong na rin s'ya sa endless pursuit of knowledge. Laking Nintendo games din ako at gusto kong buhayin yung childhood ko. So kung ako tatanungin kung needs ba s'ya o wants lang, tingin ko in-between.

Though isang buong taon ako magpipinitensya para lang pag ipunan ko yung perang pambili nito. Maswerte na kung makaipon ako ng enough na pera by December. Oo, pulubi ako. Pulubing may computer at internet connection. Kaya hindi ganun kadali sakin ang pag ipunan 'to. Halos imposible pa nga eh.
I mean, hindi ko gagastusin yung magiging baon ko araw-araw para lang maka-ipon and college student ako kaya mas lalong mahirap na hindi mapagastos.
Sa ngayon di ko pa maumpisahan ang pag iipon dahil wala pa akong allowance. Sa sunod na pasukan ko na uumpisahan ang "fasting". Kailangan sobrang minimal na gastos talaga kahit sa birthday ko hindi ako gagastos.
Nagpaalam na rin ako sa nililigawan ko na magiging kuripot ako buong taon (sana ok lang sa kanya).

Mukhang napaka-absurd nung idea na magpapaka-martir ako para lang sa 3DS. Pero siguro naman nabalitaan n'yo na yung tungkol sa isang bata sa China na binenta yung isang kidney n'ya para lang makabili ng iPad at iPhone. Mas hardcore yan at di dapat tularan. Basta ako, good luck sakin.

Tuesday, February 21, 2012

START

Matagal-tagal na nung huli ko 'tong pinakinggan. Binalikan ko nalang ulit ngayon. Sobrang nakaka-uplift parin kahit wala naman talaga akong mabigat na problema (nami-miss ko lang "s'ya").

Wala akong mahanap na lyrics nito.

Monday, February 20, 2012

Not to sound badass or something...

Tuwing nakaka-encounter ako ng mga jokes na math-related napipikon ako dun sa mga humihirit ng
"Potek, pang matalino lang yang joke na yan"
"Pag nagets mo yung joke ibig sabihin nerd ka"
"Walang friends yung mga nakaka-gets ng joke na yan"
"Puta, math! Sakit sa ulo".


Nagbibitaw rin ako ng comments na kagaya nyang mga yan. Pero yun ay pag gets ko naman talaga yung joke.
Siguro mas feel ko lang na umarteng tanga kesa maging tanga talaga.


Pero mas nakakapikon 'tong mga 'to

"Putang ina math lang eh"
"Bobo lang kasi kayo kaya di n'yo nakuha"
"Nagets ko!! Hahahaha! Nagets ko yun!! (ang talino ko, putang ina)"


Sarap siksikan ng graphing paper sa bunganga.

Sunday, February 19, 2012

Ba't ganito?

Bakit kadalasan pag babae ang may-ari ng computer laging makalat ang desktop nila. Hindi ba mas organisado sila sa mga bagay-bagay?

Wednesday, February 15, 2012

How to draw

Madali nga lang naman kasi mag drawing. Kumuha ka lang ng blade at mag drawing ng straight line sa pulso mo.

Monday, February 13, 2012

Super Mecha Death Christ 2000 B.C. Version 4.0 BETA... bitch!

Believe ...or DIE!!
I'm definitely going to hell for liking this.

History of Super Mecha Death Christ:

Bagong religion na dapat to eh.
SMDC2KBCv4.0Beta

CBCP wants to ban free condoms on Valentine's day

Abstinence parin daw ang best way para maka-iwas sa AIDS.
Pakikipag sex daw sa iisang partner lang ang solusyon para iwas sa sakit.
Etong mga kupal sa Canto't Bihon Conference of the Philippines eh nakalimutan na yata na hindi sakit ang iniiwasan ng karamihan sa pagsusuot ng "kapote". Kung ang isip n'yo ay di kasing-vintage ng utak nila, alam mo na ang ibig kong sabihin.

Abstinence? Ngayon pa nila sinabi yan. Ngayong modern era na. Kung kailan malibog na ang halos buong populasyon ng Earth. Actually, ang paniniwala ko, walang taong hindi malibog. WALA! Kanya-kanyang level nalang ng pagtatago yan. Kaya nga merong "tamang libog" eh.

Kahit yung mga tiga-CBCP nakakaramdam din nyan. Kaya puro "abstinence" nalang bukambibig nila kasi akala nila ganoon kadali yun. Or baka dahil naiinggit sila kaya gusto nila tayong itulad sa kanila.
Ang mga tigang.. Nakikialam sa usapang sex.
Asahan na natin ang mas maraming sanggol na ipapanganak sa November dahil bawal na daw ang mga namimigay ng free condoms sa Valentine's day.
Sabay-sabay nating itaas ang ating gitnang daliri para sa Canto't Bihon Conference of the Philippines.

Friday, February 10, 2012

Anniversary

Anniversaries... I'm talking about sa lovelife.
Well, bukas ako unang-unang beses makakatikim nito. And guess what, I HAVE NO IDEA WHAT TO FUCKING DO. Hindi naman sa hindi ako nakapaghanda, matagal ko nang pinag-iisipan 'to pero 'nak ng-- hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Reregaluhan ko ba s'ya? Pero ano naman ibibigay ko?
Nabigyan ko na s'ya ng slideshow nung birthday n'ya. Kung gagawan ko para ngayon, I think it's a bad idea. Walang appropriate na pwedeng ilagay na pics dahil hindi naman namin nakaugaliang magtake ng pictures naming dalawa. I was thinking I'd just take her out but that's no good. Wala akong pera. Putang inang kamalasan naman. I asked for help from some guys back at the forums sa paggawa ng poem para kahit paano meron naman. Binigay ko na lahat ng detalye, anong mensahe, lahat. Sila nalang bahala para maging poem yung pile of words and phrases na yun but guess what, may iba pa palang nagpapagawa so kung magawa man nila yung request ko, hindi na yun aabot ng February 11, which defeats the purpose. Andami talagang kamalasan.
Siguro binabasa n'ya 'to ngayon... Gusto ko lang magsorry dahil wala akong maibigay na kahit ano. Puro words ko lang. Considering na unang anniversary 'to, sobrang guilty ako.

Teka, anong anniversary 'tong pinagsasasabi ko? Anniversary ng panliligaw ko sa kanya. That's right. Hindi ko pa s'ya girlfriend ang OA ko na.
O sige tama na ang drama. Gusto ko lang ilabas 'to dito dahil wala akong mapag kwentuhan.

Thursday, February 9, 2012

Reality check

In every girl's life, there is a guy that she'll never, ever forget.

In every guy's life, there is a girl that he can never, ever get.

BGM


Do it.

Wednesday, February 8, 2012

Isang holiday nanaman.

Valentine's day, para sakin, isa 'to sa mga pinakamagastos na holiday sa buong taon. Hindi ka nga gagastos dahil sa handaan, bubutasin naman ang bulsa mo sa mga putang inang sine, kain sa putaragis na mamahaling restaurant at bayad sa motel kinagabihan.
Bukod pa dyan ang pamasahe na sagot mo, pambili ng mga oversized na stuffed toys, heart na nasa stick, isang bouquet ng roses, isang kahon ng chocolate, and a partridge in a pear tree.
Though hindi naman kailangan lahat yan, doon palang sa gala ninyo (sine included) eh kakapusin ang isang libo mo kung sagot mo lahat. Personally, bilang ko palang sa daliri ko ang mga panahon na nagkaroon ako ng buong isang libo (kahit barya na, sige).
Wala akong trabaho at out of school ako at the moment kaya swerte na pag may 50 pesos ako.


Tipid tips?
Wag na kayo mag-date! Pota. Lahat yan pwede n'yong gawin sa bahay.
  1. Gusto manood ng sine? Mag-DVD nalang kayo. 65 pesos lang ang piratang DVD, marami pang laman. Sa Quiapo meron doon 10 pesos each. Bargain na bargain. At sa gabi, mga lampas 10:00 or 11:00 PM yata yun may nagbebenta ng porno na DVD ranging from 5-10 pesos lang ang presyo. O diba mura? Sabay kayong manood ng porn ni sweetheart.
  2. Pagkain? Silip ka muna sa kaldero kung may natira pang kanin. Kung wala/kulang, edi putang ina magsaing ka. Bumili ka ng 30 pesos na lutong ulam sa kanto. Kung wala, mag instant mami nalang kayo at sabay nyong kainin. Sa iisang plato para sweet. Lagyan mo ng asukal para literal na sweet. Pakamatay ka na rin kung sinunod mo yung huli kong sinabi.
  3. Motel? Nasa bahay na nga kayo eh, ano pang hahanapin n'yo? Walang istorbo, feeling of awkwardness pag haharap sa reception desk, walang bayad, walang time limit, at higit sa lahat, walang free wi-fi. Liban nalang siguro pag bawal sa bahay mo o sa bahay n'ya. Gagastos talaga kayo nyan. Proteksyon? Last year's Feb 14 kasi sabi ng isang tropa ko, sa tapat daw ng "So Clean, So Good" malapit sa Sta. Lucia East Grand Mall, may namimigay doon ng libreng "proteksyon".
    Seriously. Parang nag-aabot lang ng flyers sa mga dumadaan. Ewan ko lang ngayong taon kung meron nun. Libre pare, libre. Dagdag pa sa tipid yan.
Well syempre hindi uubra yan dahil karamihan sa babaeng makaka-date mo ngayon ay pera lang ang habol sa'yo. Yung iba magdadahilan pa na
"eh mas memorable naman ang date pag sa Disneyland. Doon tayo, wag kang cheap!"
Maraming babae ngayon ang ayaw sa cheap na dates. Gusto magastos pa para ma-consider nila na sweet yung lalaki. Well guess what, my ass is sweet, dumb shit.

Isa pang nakaka-badtrip sa Valentine's day ay yung mga GM ng GM, status ng status sa Facebook na kawawa daw sila sa Valentine's wala daw silang date. Alone daw sila, at kung ano-ano pang paawa effect dahil iniisip nila na kusang lalapit sa kanila ang dates nila sa pagpo-post lang ng ganung kabadingan. At mas nakaka-init ng ulo 'to pag lalaki ang nagpo-post ng mga ganung status.

Valentine's day, sa iba, sobrang gastos, yung iba naman kuntento nang magkasama sila ng girlfriend/boyfriend/asawa nila.
Yung iba walang date pero ok lang sa kanila, yung iba walang date pero pinagsisigawan pa na hindi ok sa kanila dahil lang sa Valentine's day kasi.
May nag-break, may nabuong relationships, may na-"aksidente".
Maraming pakulo ang mga couples. Karamihan magsusuot ng magkaparehong damit, parehong sapatos, parehong medyas, wag lang sanang pareho ng underwear, jusko.
Hindi na masyadong sweet para sakin yung pareho kayo ng damit or other stuff. Masyado na kasing common. Ang gusto ko, pareho kami ng apelyido.

Sa pag blog ng tungkol dito, nagmumukha akong bitter dahil wala akong ka-date ngayong Feb 14. Nope.
Meron naman. Wala lang talagang pang-date.

Sei no!!

Hindi yan "Say no!", kupal. Japanese equivalent yan ng "Ready, get set"
At halata naman siguro na kaya ganyan yung title dahil sinusubukan ko palang na bumuwelo. Bumuwelo dahil nag uumpisa palang ako sumulat ng blog. Buwelo dahil lahat ng success nag-uumpisa sa maliliit na hakbang. Saan ka ba nakakita ng nag-high jump nang walang buwelo? (Si Incredible Hulk, tanga ko pala eh).
Joke yan. Hindi naman talaga ako nag e-aim high eh. Ginawa ko 'tong blog na 'to para lang madagdagan naman ang pwede kong gawin sa boring na putang inang internet na 'to.

[Oo nga pala, kung mahina ang sikmura mo sa mga taong nagmumura, o kung isa kang moralistang ipokritong relihiyoso, hindi para sa'yo ang blog na 'to. Hindi ko na siguro kailangan ipaliwanag, no. Basta layas! shoo!
Alis! Siguradong aayawan mo ang mga itatambak ko dito. At mas lalo rin na siguradong ayaw ko sa'yo.
Scram! Dickfuckingasswipe!]

Tungkol saan ang blog na 'to? Wala. Tungkol sa wala. Tungkol sa kahit ano. Pwedeng may kinalaman sa buhay mo, pero akala mo lang yun. Hindi ko rin alam kung saang category 'to papasok. Mas lalong di ko alam kung ano man magiging content nito.

Sige, sa ngayon tawagin nalang muna natin itong personal blog.



"Personal blog? Putang ina yayaman ba ako? Uunlad ba Pilipinas pag binasa ko yan?"


Short answer: Hinde, gago.
Long answer: No, you motherfucking gross knob goblin dog fucking horse fucker. I'd rather masturbate with a grenade to leprosy porn than spend one more second dealing with you and your stupid question. Fuckwit shit faced yap.
Answer(really): Kung gusto mong yumaman, hindi ka nagliliwaliw sa internet ngayon. At mas lalong wala ka ngayon sa putaragis na blog kong 'to. Nandoon ka dapat ngayon sa trabaho mo. O kaya nasa isang malaking bangko ka ngayon at nanghoholdap. Wag ka mang-snatch ng cellphone. napaka small-time nun.
Kung sasabihin mong trabaho mo ang senseless na pag-gala sa internet, pakyu. Wag kang pilosopong kupal.
Liban nalang kung bantay ka ng computer shop kung saan kumikita ka kahit paupo-upo lang d'yan at pabrowse-browse lang habang wala pang nagta-time o pumapasok na customer.


Hindi ako ganun kagaling sa creative writing kaya wag ka masyadong mag expect ng pang literature na quality ng posts. Ni hindi nga ako makagawa ng matinong metaphor eh.

But anyway, trip trip lang naman 'tong blog na 'to. Ang importante ay nag-eenjoy ako sa pagsusulat dito at hopefully, mag-enjoy rin kung sino man ang maligaw dito.

Have a great day, fucker.

せいの!!