Anniversaries... I'm talking about sa lovelife.
Well, bukas ako unang-unang beses makakatikim nito. And guess what, I HAVE NO IDEA WHAT TO FUCKING DO. Hindi naman sa hindi ako nakapaghanda, matagal ko nang pinag-iisipan 'to pero 'nak ng-- hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Reregaluhan ko ba s'ya? Pero ano naman ibibigay ko?
Nabigyan ko na s'ya ng slideshow nung birthday n'ya. Kung gagawan ko para ngayon, I think it's a bad idea. Walang appropriate na pwedeng ilagay na pics dahil hindi naman namin nakaugaliang magtake ng pictures naming dalawa. I was thinking I'd just take her out but that's no good. Wala akong pera. Putang inang kamalasan naman. I asked for help from some guys back at the forums sa paggawa ng poem para kahit paano meron naman. Binigay ko na lahat ng detalye, anong mensahe, lahat. Sila nalang bahala para maging poem yung pile of words and phrases na yun but guess what, may iba pa palang nagpapagawa so kung magawa man nila yung request ko, hindi na yun aabot ng February 11, which defeats the purpose. Andami talagang kamalasan.
Siguro binabasa n'ya 'to ngayon... Gusto ko lang magsorry dahil wala akong maibigay na kahit ano. Puro words ko lang. Considering na unang anniversary 'to, sobrang guilty ako.
Teka, anong anniversary 'tong pinagsasasabi ko? Anniversary ng panliligaw ko sa kanya. That's right. Hindi ko pa s'ya girlfriend ang OA ko na.
O sige tama na ang drama. Gusto ko lang ilabas 'to dito dahil wala akong mapag kwentuhan.
No comments:
Post a Comment