Bukod pa dyan ang pamasahe na sagot mo, pambili ng mga oversized na stuffed toys, heart na nasa stick, isang bouquet ng roses, isang kahon ng chocolate, and a partridge in a pear tree.
Though hindi naman kailangan lahat yan, doon palang sa gala ninyo (sine included) eh kakapusin ang isang libo mo kung sagot mo lahat. Personally, bilang ko palang sa daliri ko ang mga panahon na nagkaroon ako ng buong isang libo (kahit barya na, sige).
Wala akong trabaho at out of school ako at the moment kaya swerte na pag may 50 pesos ako.
Tipid tips?
Wag na kayo mag-date! Pota. Lahat yan pwede n'yong gawin sa bahay.
- Gusto manood ng sine? Mag-DVD nalang kayo. 65 pesos lang ang piratang DVD, marami pang laman. Sa Quiapo meron doon 10 pesos each. Bargain na bargain. At sa gabi, mga lampas 10:00 or 11:00 PM yata yun may nagbebenta ng porno na DVD ranging from 5-10 pesos lang ang presyo. O diba mura? Sabay kayong manood ng porn ni sweetheart.
- Pagkain? Silip ka muna sa kaldero kung may natira pang kanin. Kung wala/kulang, edi putang ina magsaing ka. Bumili ka ng 30 pesos na lutong ulam sa kanto. Kung wala, mag instant mami nalang kayo at sabay nyong kainin. Sa iisang plato para sweet. Lagyan mo ng asukal para literal na sweet. Pakamatay ka na rin kung sinunod mo yung huli kong sinabi.
- Motel? Nasa bahay na nga kayo eh, ano pang hahanapin n'yo? Walang istorbo, feeling of awkwardness pag haharap sa reception desk, walang bayad, walang time limit, at higit sa lahat, walang free wi-fi. Liban nalang siguro pag bawal sa bahay mo o sa bahay n'ya. Gagastos talaga kayo nyan. Proteksyon? Last year's Feb 14 kasi sabi ng isang tropa ko, sa tapat daw ng "So Clean, So Good" malapit sa Sta. Lucia East Grand Mall, may namimigay doon ng libreng "proteksyon".
Seriously. Parang nag-aabot lang ng flyers sa mga dumadaan. Ewan ko lang ngayong taon kung meron nun. Libre pare, libre. Dagdag pa sa tipid yan.
Well syempre hindi uubra yan dahil karamihan sa babaeng makaka-date mo ngayon ay pera lang ang habol sa'yo. Yung iba magdadahilan pa na
"eh mas memorable naman ang date pag sa Disneyland. Doon tayo, wag kang cheap!"
Maraming babae ngayon ang ayaw sa cheap na dates. Gusto magastos pa para ma-consider nila na sweet yung lalaki. Well guess what, my ass is sweet, dumb shit.
Isa pang nakaka-badtrip sa Valentine's day ay yung mga GM ng GM, status ng status sa Facebook na kawawa daw sila sa Valentine's wala daw silang date. Alone daw sila, at kung ano-ano pang paawa effect dahil iniisip nila na kusang lalapit sa kanila ang dates nila sa pagpo-post lang ng ganung kabadingan. At mas nakaka-init ng ulo 'to pag lalaki ang nagpo-post ng mga ganung status.
Valentine's day, sa iba, sobrang gastos, yung iba naman kuntento nang magkasama sila ng girlfriend/boyfriend/asawa nila.
Yung iba walang date pero ok lang sa kanila, yung iba walang date pero pinagsisigawan pa na hindi ok sa kanila dahil lang sa Valentine's day kasi.
May nag-break, may nabuong relationships, may na-"aksidente".
Maraming pakulo ang mga couples. Karamihan magsusuot ng magkaparehong damit, parehong sapatos, parehong medyas, wag lang sanang pareho ng underwear, jusko.
Hindi na masyadong sweet para sakin yung pareho kayo ng damit or other stuff. Masyado na kasing common. Ang gusto ko, pareho kami ng apelyido.
Hindi na masyadong sweet para sakin yung pareho kayo ng damit or other stuff. Masyado na kasing common. Ang gusto ko, pareho kami ng apelyido.
Sa pag blog ng tungkol dito, nagmumukha akong bitter dahil wala akong ka-date ngayong Feb 14. Nope.
Meron naman. Wala lang talagang pang-date.
No comments:
Post a Comment