Monday, March 25, 2013

Wala Lang (capitalization kasi title yan)

This is not a post. It's my life.

Kumakain ka? Sayang pagkain, no?

Sunday, March 17, 2013

I'm Back (Hello, Back. XD)


It’s been eons since my last post and I’m starting to miss my blog. Nakakainis lang na hindi ko na masunod yung plano ko na maglagay ng steady stream of post dito kahit man lang every week. Sobrang dami nang nangyari, nagbago, nawala, dumating dun sa lumipas na panahong hindi ako makapagpost at nakakapanghinayang lang na hindi ko maipost yung mga yun.

Kasama na dun yung pagkamatay ni tatay. March 9 2012, sabi ko sa sarili ko gagawa ako ng post in tribute dun kaso hindi ko na nagawa dahil naging sobrang busy na. Itutuloy ko parin yung post na yun some other time. And for real this time. Pagkatapos nalang siguro ng stress ng finals. Nawalan pa ‘ko ng internet sa bahay kaya hindi ko na talaga mabisita masyado ‘tong blog. Hindi naman kasi ako sanay na sa internet cafe mag ganito. Ewan ko kung bakit pero nakakailang lang. Pero nakakapanghinyanag lang kasi ‘tong naumpisahan ko. Gusto ko pang ituloy ‘tong blog eh kaya napagisipan ko na gawan parin ng paraan makapagpost lang (kahit wala namang bumabasa nito. Lol).

Gaya nga ng sinabi ko, sobrang dami nang nangyari sa lumipas na mahigit isang taon. Balik-eskwela na ako (nabanggit ko kanina yung tungkol sa stressful na finals, diba?), mga bagong kakilala, mga bagong kaaway, kalokohan, pero mas pumanget na social life. Eto talaga kahinaan ko sa lahat. Imbes na mag-improve ako, bumagsak lang lalo dun sa lumipas na isang taon. Lecheng socialization yan. Bagong cellphone na galing sa pera na kinita ko sa kauna-unahan kong video editing na may bayad. Ilang linggo rin kaming walang tulog nung co-editor ko dun. Stressful shit.

Fast forward to today, meron na ‘kong bagong desktop na regalo mula kay itay (rest in peace, dad). And don’t even get me started. Mula nung natuto akong gumamit ng computer nung mga nasa 2nd year high school palang ako, ngayon lang ako nagkaroon ng PC na...well, PC. Nabuhay lang ako sa old model laptop nun at sa makeshift desktop ko na gawa lang sa netbook. Hay, memories. Also, 2 years na kami ng Bunny ko. Well, hindi pa kami pero...whatever. I’ve also earned a trophy sa video editing contest sa school just recently. Props to those people who made that possible, especially sa Bunny ko.
I’m now interested in 3D modeling pati sa music composing pero I’ve yet to learn those things. Hopefully ngayong bakasyon (sana matanggap ako sa SPES, sana matanggap ako sa SPES... ay).
Dami ko pang gustong idaldal. Pati nga tong mga pinagbabanggit ko ngayon puro pahapyaw lang eh. Kasi sobrang dami talagang nangyari at nagbago netong nakaraan kaso kelangan ko pa asikasuhin yung term paper namin so... Bigla ko nalang tatapusin ‘to dito. Lol.

Anyare sa pangarap kong Nintendo 3DS? ANG MAHAL AT DI AKO MAKAPAG IPON! DS Lite nalang. XD

Also, pakyu Autocorrect! ><



Eto yung video na naipanalo namin. Yehey!